Friday, 05 June, 2026г.
russian english deutsch french spanish portuguese czech greek georgian chinese japanese korean indonesian turkish thai uzbek

пример: покупка автомобиля в Запорожье

 

badboys

badboysУ вашего броузера проблема в совместимости с HTML5
Patay ang apat na hinihinalang holdaper sa naganap na engkuwentro ng mga ito sa mga pulis na rumisponde bandang ika-tatlo ng madaling araw sa boundary ng Barangay Maunong at Barangay Masimsim. Duguan at tadtad ng bala ang mga suspek matapos nitong makipagpalitan ng putok sa mga pulis. Kinilala ang isa sa mga suspek na si Salde Candido na taga Fairview Quezon City. Narecover sa crime scene ang 2 motorsiklo na walang plaka na ginamit ng mga suspek, 4 baril na kalibre 38, 1 kalibre 22. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, inagawan ng baril ng mga suspek ang gwardiya ng JAC Liner Bus Terminal sa Barangay Turbina, Calamba City at ninakawan naman ng cellphone ang isang tindera sa terminal. Ito naman ay agad na naireport sa mga pulis kaya't agad na nasakote ang mga suspek. Ayon kay PO2 Ronald Monedo, sa order ng kanilang Hepe Joel Pernito ay nagsagawa sila ng hot pursuit sa mga suspek at pagkakita ng mga ito sa kanila ay pinaputukan sila kaagad kaya nagkaroon ng engkuwentro. Naniniwala ang Hepe ng Pulisya na ang naturang grupo ang responsable sa mga nagaganap na robbery hold-up at carnapping sa Calamba at dahil sa pangyayari ay inaasahan na mababawasan ang insidente ng nakawan sa lungsod. Sa kasalukuyan ay nasa Nazareno Funeral Homes na ang mga labi ng mga suspek at patuloy pa ring inaalam ang pagkakakilanlan ng tatlong napatay
Теги: calamba

Мой аккаунт