Karugtong ng tula ko...(pattern)written by: target
Chorus:
Kaastigan nitong tula ko ay hindi matatawaran
Ang antas at kalidad pwede nyong gawing huwaran
at hindi pwedeng tawanan karugtong ng halimbawa
kahit ulit ulitin ay hindi nakakasawa(2x)
Di ko na nga ginalingan pero bilib ka pa rin/
Kaya ang aking antas pinipilit liparin/
ngunit kahit sagarin, ang utak nio na gipit/
Pilitin mang abutin palagi kang pilipit/
dahil sadyang malupit, kapag ako na ang lumapat/
maluluma ang mga banat at sa lupa ay kakalat/
akoy di maaawat, at kahit di mo aminin/
Na mga pyesa koy matitibay kahit inyong eksaminin/
at sa dila' ay may tari, husay na di kunwari
kung etoy maririnig maghihiphop pati ang pari/
kapag ako yumari, kayang durugin ang planeta/
pag binuhos aking dunong,kayang punuin ang araneta/
mga ulo ay babaling, ang lahat mahuhumaling/
ang mga gagong sinungaling, lulunurin ko sa letra/
at bura ng ang eksena pag ako ang nagtantos/
parang dura na may eksema,pag ako ang nambastos/
bawat banat koy tatagos, parang sinaksak ng maton/
na ang bangis parang suntok na ngpabagsak kay hatton/
pag naghamon sa bihasa,parang dinarang sa suplete/
at lamon isang laksa, na iniharang sa kadete/
kahit ang tira koy doblete,alam mong di sasablay/
kailanman di ka papantay, sa mga tugma kong pinanday/
ngayon lustay, bawat unday, sige sabay, wag lang bitinin/
sa tigas ng mga nilapat pwede kitang paglambitinin/
nde ako naglalapag ng mga tugmang paulit- ulit/
perpekto ang resulta kung ito na ang pagsusulit/
ang makatang tagapunit, eto aking pasaporte/
hinatulan na kita khit wala ka pa sa korte/
kung matatag ang pundasyon, sa kumpas koy magbabaklasan/
diksyunaryo utak mo?,katumbas koy silid aklatan/
napakasimple ng bagsakan,letra na magkakaterno/
parang nabuhay si bonifacio,si dagohoy at Paterno/
ang lahat ng nabanatan khit bakal ay natunaw/
mga kampo ay nagunaw,pati kawal na bakulaw/
plano nioy dausdos, parang itlog na luslos/
tabunan ang kaluskos/na parang si jalosjos/
etoy galing na wala sa iba, at malabong maubusan/
ang unang sasalubong, mauuna kong pupungusan/
pano mo pa uungusan, ang dalubhasang batosai/
papatulan din kita ,chotto mate kudasai/
at pag ako ay,naglibang na,ng mga lenguaheng pamatay/
tiyak ikay mapapabilang sa mga babaeng naglaway/
para mi es muy pacil hacer, rimas espanolas/
soy mejor porque puedo hablar palabras pederosas/
soy uno del Guerero, mas poderoso en este juego/
se queiro matarle ahora, yo puedo acer eso/
husay mo alam kong kulang, ang sakin alam kong labis/
kung may halimaw sa tula,katumbas ko sampung balawis/
Chorus:
Kaastigan nitong tula ko ay hindi matatawaran
Ang antas at kalidad pwede nyong gawing huwaran
at hindi pwedeng tawanan karugtong ng halimbawa
kahit ulit ulitin ay hindi nakakasawa(2x)
DC CLAN (Target) - Karugtong ng tula ko
the real southpride production
dc clan music